Ni: Nitz Miralles
SA latest Instagram (IG) story post ni Ellen Adarna, nasa Switzerland na sila ni John Lloyd Cruz pero sa IG post naman ng aktor, nasa airport pa lang sila. Kaya magtatagal pa ang bakasyon ng lovebirds.
Matatandaan na nauna nang nag-post si Ellen na gusto niyang bumalik sa Zermatt, Switzerland.
May ipinost din si Ellen na may humahalik sa kanya na kahit kalahati lang ng mukha ang nakita, alam na si John Lloyd.
Pero sa isang picture na kuha sa kasal ng stylist ni John Lloyd na si Rex Atienza kay Jay Sarmiento, kitang hinahalikan ni John Lloyd si Ellen.
Ang reaction ng netizens na nakakita ng blurred picture ng dalawa, in love na in love si John Lloyd kay Ellen.
Kaugnay nito, itinanggi ni Ogie Diaz, kasama nina John Lloyd at Ellen sa cast ng Home Sweetie Home, ang kumalat na balitang last four weeks na lang ng sitcom. Magpapatuloy pa rin daw ang show kahit may tsikang hindi na ikokontrata si John Lloyd ng ABS-CBN.