Ni REGGEE BONOAN

SINORPRESA ni Ken Chan ng harana ng awiting Born For You si Barbie Forteza bago nagsimula ang presscon ng kanilang pelikulang This Time I’ll Be Sweeter sabay bigay ng bouquet of flowers.

BARBIE AT KEN copy

Maayos kumanta si Ken kaya tinanong namin kung boses ba niya talaga iyon o lipsynch lang, he-he-he. Ito ang napapala ng kakapanood ng I Can See Your Voice.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nagulat si Barbie dahil ang paalam ng leading man niya ay pupunta ng banyo pero natagalan kaya nag-alala siya, ‘yun pala may paandar ang aktor.

Natuwa ang dalaga sa magandang mensahe sa kanya ng ka-love team hindi lang sa This Time I’ll Be Sweeter kundi pati sa serye nila sa GMA-7.

Malakas ang chemistry nina Ken at Barbie kahit hindi sila magkarelasyon dahil may kanya-kanya silang love life.

Kuwento nga ni Direk Joel Lamangan, napakapropesyunal ng dalawa kaya first time na hindi siya nagalit sa set.

“Mahusay na mga artista sila, I’m so proud lahat ng nandito wala akong itulak-kabigin at wala akong napagalitan, ito lamang ang pelikulang wala akong napagalitan, wala akong nasigawan hindi dahil siguro takot sila kundi dahil mahuhusay sila, dahil prepared sila sa anumang (gagawin), dahil on time sila, walang nali-late rito, may respeto sila sa trabaho nila, may respeto sila propesyong pinili nila.

“Maaga pa lang, mahusay na ang training nila, nakikita natin ang isang magandang kinabukasan sa kanila sa industriya ng pelikulang Pilipino,” say ni Direk Joel.

Napakaraming nagagandahan sa trailer ng This Time I’ll Be Sweeter kaya tinanong si Direk Joel kung may bago siyang cinematographer na napakaayos ng pag-iilaw at glossy. Binanggit niya na si Phillip So ang kanyang director of photography. (Interbyuhin natin siya, Reggee. Maayos ang trabaho niya. --Editor)

Mapapanood na ang This Time I’ll Be Sweeter sa Nobyembre 8 mula sa Regal Multi Media, Inc. Kasama nina Barbie at Ken sa cast sina Kim Rodriguez, Hiro Peralta, Fiona Yang, Kaki Ramirez, Akihiro Blanco, Jai Agpangan, Yayo Aguila, Neil Ryan Sese, Jon Leo, Rey Abellana at Ara Mina.