Ni REGGEE BONOAN

MARIING itinanggi ni Ms. World-Philippines Laura Victoria Lehmann na boyfriend niya si Diether Ocampo na ka-date niya sa Star Magic Ball noong Setyembre 30.

Laura at Diether copy copy

“We’re just friends,” sabi ni Laura.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Siya ang kasama ni Diether sa ball dahil iisa ang manager nila, si Arnold L. Vegafria.

“Everybody in ALV Management is very good friend. Wala namang problema roon sa pagpunta sa ball. We have fun and Diether is a very nice guy. He’s a gentleman. Naroon din naman si ALV.

“Pareho kaming walang date so walang malisya and ALV was also there. Si ALV parang tatay namin,” paliwanag ng dalaga.

Hindi nanliligaw si Diether kay Laura dahil, “Right now I’m taken,” diretsahang sabi ng dalaga.

Hindi niya binanggit kung sino ang boyfriend niya pero basketball player daw ito at mahigit tatlong taon na silang magkarelasyon.

Samantala, ang discoverer ni Laura ay ang dating singer na si Louie Heredia na nakakita sa kanya noong bata pa siya dahil kapitbahay ito ng kuya niya sa Ecology Village.

Sinabihan daw siya ni Louie noon na puwede siyang sumali sa beauty contest dahil bukod sa maganda at articulate ay matangkad, 5’8 ½ siya ngayon, at pumayag naman ang dalaga hanggang sa ipakilala siya kay Jonas Gaffud na kilala sa paghubog ng mga nanalong beauty queen.

Matapos mag-training ni Laura for Binibining Pilipinas ay sumali siya noong 2014, pero hindi pinalad na maiuwi ang korona dahil si MJ Lastimosa ang tinanghal na Binibining Pilipinas at first runner-up naman siya.

Napansin ng ABS-CBN si Laura at kinuha siyang courtside reporter sa UAAP, tulad ni Gretchen Fullido noon bago ito napunta sa TV Patrol bilang Star Patroller.

Sumali siya sa katatapos na Miss World-Philippines at sinuwerteng manalo kaya siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 2017 Miss World Pageant na gaganapin sa Sanya, China sa November 18.

Nakitaan naman ng malaking potential sa showbiz si Laura ng mag-inang Lily Monteverde at Roselle Teo-Monteverde kaya agad na siyang pinapirma ng kontrata sa Regal Films bago pa man sumabak sa kumpetisyon para pagbalik ay umpisahan na kaagad ang pelikulang Palibhasa Babae.

Makakasama ni Laura sa pelikula sina Sophia Senoron, Glyssa Leiann Perez, Zhaniethia Jimenez at Winwyn Marquez.