Ni: Marivic Awitan

NANGIBABAW ang De La Salle wingman na si Ricci Rivero sa kanyang ipinakitang performance sa nakalipas na linggo upang mapili bilang UAAP Press Corps-Chooks To Go Player of the Week sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament.

Giniyahan ni Rivero ang defending champions upang makabangon sa natamong kabiguan sa kamay ng kanilang archrival Ateneo, 76-75, sa pagtatapos ng first round.

La Salle's Ricci Rivero  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
La Salle's Ricci Rivero (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Nagposte ang Green Archers ng dalawang panalo upang umangat sa markang 6-2 kung saan nagtala si Rivero ng average na 20 puntos, 3 assists, at 3.5 steals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Rivero sinikap lamang niyang lumaro ng maayos, higit sa depensa at sumunod na lamang ang opensa.

“At first I always think of ways of helping the team and the coaches just told me to just stick to the game plan and they will find me on offense,” pahayag ni Rivero.

“I’ll just do my job and they’ll help me get my offense going,” aniya.

Naramdaman ang pinakamatinding laro ni Rivero sa 75-73 panalo kontra Far Eastern University.

Nagposte ang second-year guard ng 20 puntos, mula sa 9-of-15 shooting.

Tinalo ni Rivero para sa lingguhang citation ang kakamping si Ben Mbala, at sina Thirdy Ravena ng Ateneo, at Mark Olayon ng University of the East.