Ni ERNEST HERNANDEZ

BAHAGI ng pamosong ‘never say die’ motto si PBA Hall of Famer Francis Arnaiz. Mahigit dalawang dekada ang nakalipas, nananatiling buhay ang kawikaan sa Ginebra San Miguel at nasaksihan niya mismo ang kiliti sa damdamin ng mga tagahanga.

Former Ginebra teammates Robert Jaworski (left) and Francis Arnaiz watch the  PBA Governors' Cup Finals Game 2 og Ginebra and Meralco at Smart Araneta Coliseum, October 15, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Former Ginebra teammates Robert Jaworski (left) and Francis Arnaiz watch the PBA Governors' Cup Finals Game 2 og Ginebra and Meralco at Smart Araneta Coliseum, October 15, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Hindi naitago ni “Mr. Clutch”, bansag kay Arnaiz sa kanyang kapanahunan ang kasiyahan nang makita ang pagdiriwang ng mga tagahanga -- hindi bumitaw sa koponan mula noon hanggang ngayon – matapos magwagi ang Kings sa Game 2 ng 2017 PBA Governors Cup Finals.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Absolutely,” pahayag ni Arnaiz patungkol sa pagkakapareho ng sitwasyon dala ng “Never Say Die” attitude ng mga kasalukuyang player ng Ginebra.

“Ang nag umpisa niyan si Jaworski. It all started when we joined Ginebra. It is unbelievable that the fans are still there. Grabe! Home court advantage parati ang Ginebra. It seems lahat ng tao sa kanila,” sambit ni Arnaiz, isa sa pinamahusay at sikat na point guard sa liga sa dekada 70 hanggang 80. “Surprised? I’m not sure. I am just happy that Senator (Robert) Jaworski started it all,” aniya.

Pambato ng Toyota hanggang sa mabuwag ang prangkisa noong 1984, muling nagkasama sina Arnaiz at Jaworski sa Gilbey’s Gin (tanyag ngayon bilang Ginebra). Tumagal ng hanggang tatlong taon ang tambalan nila ni Jaworski sa Gins bago siya nagdesisyon na magretiro.

Gayunman, sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga pagsubok na kanilang sinuong at napagtagumpayan dahil sa “Never Say Die” attitude. At ngayon, napanatili ito ng bagong henerasyon ng Gin Kings.

“Ganito lang ‘yan eh. There are a lot of things you cannot foresee in the game. You don’t know sino mananalo. The only thing you can control in the game is effort,” pahayag ni Arnaiz.

“Yun lang eh. I see that in this team. They are ‘Never Say Die’—they still have it.”

Sa kanyang career sa PBA, nakamit ni Arnaiz ang siyam na PBA championship, ngunit ang karibalan ng Toyota at Crispa ang tunay na nagdala sa kanyang pangalan sa bawat tahanan ng Pinoy cage fans.

Sa kanyang maiksing bakasyon sa bansa, sinabi ni Arnaiz na plano niyang makapanood pa ng mga laro sa Finals. At naniniwala siya na ang Game 3 ang pinakaimportanteng yugto sa best-of-seven finals.

“In the best-of-seven, the most important is the Game 3. Pag nanalo ng Game 3 ‘yan, the chances are it’s over. If they lose Game 3, it is 2-1…malapit na masyado,” pahayag ni Arnaiz. “Meralco is a very good team also. It could have gone either way tonight.”

Maging si Jaworski ay naniniwala na hindi pa sigurado ang tsansa ng Ginebra sa kabila ng 2-0 bentahe sa Meralco.

“It is not over until it is over but they got to do it,” pahayag ni Jaworski. “You only win it by going together and working hard. That’s it! No secret to tell.”