ABIDJAN (Reuters) – Patay ang apat na Moldovan citizens at dalawang iba pa ang nasugatan nitong Sabado nang bumulusok sa dagat ang isang cargo plane na inupahan ng French military malapit sa paliparan sa pangunahing lungsod ng Abidjan, Ivory Coast, sinabi ng Ivorian at French officials.

Apat pang French citizens ang nasugatan din sa pagbulusok, na nangyari habang papalapit ang Antonov 26 plane, nagmula sa Ouagadougou, ang kabisera ng Burkina Faso, sa paliparan.

“There were 10 people aboard including six crew members, three French soldiers and a French civilian who was working for the (aviation) company,” sinabi ni Sinaly Silue, director general ng civil aviation authority ng Ivory Coast.

Nawalan ng contact sa eroplano ang control tower sa Abidjan dakong 8:24 a.m. (0824 GMT) sa kasagsagan ng malakas na ulan, ani Silue.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina