Ni NITZ MIRALLES
SA Instagram Story idinaan ni Nadine Lustre ang kanyang panawagan na bigyan siya ng privacy sa burol ng kanyang kapatid na namatay.
“Hi! May I request to please refrain from posting/reposting photos and videos of me from the funeral... Let’s give respect. This is for EVERYONE. Thank you.”
Sinundan ito ng isa pang post na ipinakitang matatag siya kahit may trahedyang nangyari sa kanilang pamilya.
“To everyone who’s been judging me for the past few days, remember this... You will always see me UP but never DOWN.
So wag niyong hanapin. Get lost please:)
“And to everyone who’s been sharing me stories of weakness... I’m reading. Wait for me... I GOT U.”
Buwelta ng netizens kay Nadine, alam daw ba niya na sarili niyang tita ang nagpo-post ng kanyang picture sa burol? Sa IG story post ng tita ni Nadine, makikita ang aktres na may binabasa sa mass sa burol ng kapatid.
“Thank you for showing strength for the family, Ate Nadine. (shoutout to your friends who are helping you cope with sadness and help dismiss your fears and anxieties). You are our rock in this time of great sorrow.”
May bagong post si Nadine tungkol sa depression, hindi lang kami sure kung sarili niyang experience ang sinulat o kinowt lang, pero magandang basahin lalo na sa mga dumaranas ng depression.
Ang nakakapagtaka lang, bakit sa halip na makisimpatya kay Nadine, bakit mas ginugulo pa siya ng netizens? Sadya bang ganito na ang mundo ngayon?