ALIW na aliw ang netizens sa nakakatuwang Instagram stories ni Heart Evangelista at Alexander Lee.

Bukod sa madalas na pagbo-bonding, nakuha rin nila ang atensiyon ng kanilang followers nang mag-birthday ang asawa ni Heart na si Sen. Chiz Escudero. Full force na dumating ang buong cast ng serye nina Heart at Alexander sa masayang celebration.

heart-alexander-002 copy

Pero ang pumukaw nang husto sa atensiyon ng netizens ay ang pagtuturo ng dalawang bida sa mga bisita ng senador kung paano gagawin ang trending na Korean finger heart. Marami sa mga ito ang sumubok na kalaunan ay panay ang tawanan.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Marami ang nakokomento na isa pa itong pruweba na anila’y “My Korean Jagiya sends nothing but positive vibes.”

No wonder, laging mataas ang ratings nito gabi-gabi.

Samantala, thumbs up ang televiewers sa mga pasabog ng My Korean Jagiya every night. Tutok na tutok ang lahat — netizens man o house viewers. Hindi sila maawat na ulit-ulitin ang episodes ng serye. Tulad na lamang ng swimsuit showdown nina Valeen Montenegro at Heart na umabot na sa 1 million views. Grabe ang powers ng MKJ!