Ni: Rommel P. Tabbad
Pinag-aaralan ng Social Security System (SSS) ang pagbibigay ng unemployment insurance sa mga miyembro nito.
Sinabi SSS chairman Amado Valdez na ang nabanggit na insurance ay matitiyak ng temporary financial security sa mga miyembro na biglang nawalan ng trabaho.
“Kung paanong makapagbibigay tayo ng unemployment insurance, yung para bang bigla kang nawalan ng trabaho, at least for six months, madudugtungan yung suweldo mo. Hindi mapuputol yung stream ng income mo, makahanap ka ng trabaho, o mag-retraining ka,” ani Valdez.