Ni: Beth Camia

Isang dating alkalde sa Caramoan, Camarines Sur ang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) sa lalawigan kaugnay ng kaso ng pamamaslang noong 2001.

Kinumpirna ni Rizaldy Jaymalin, agent-in-charge ng NBI-Camarines Sur, ang pagsuko sa kanilang tanggapan ni dating Caramoan Mayor Marilyn Co, at ng bodyguard nitong si dating SPO2 Ramil Arañas.

Ayon kay Jaymalin, nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Ma. Angela Arroyo, ng Regional Trial Court-Branch 58-San Jose, laban sa dating alkalde at sa mga bodyguard nito.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Mahigpit naman ang ipinatutupad na seguridad sa opisina ng NBI matapos na pagbigyan ng korte ang petisyon ni Co na pansamantalang manatili sa kanilang kustodiya, habang makukulong naman sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang bodyguard nito.

Nabatid na taong 2001 nang pagbabarilin sa tapat ng kanyang bahay ang isang Miguel Antonio Francia, ng umano’y mga bodyguard ni Co na sina Sgt. Roberto Reyes at isang John Doe.

Motibo umano sa pagpatay ang paglipat ni Francia sa kalaban ni Co sa pulitika.