Ni: Marivic Awitan

HOST ang Colegio de San Juan de Letran sa taekwondo -- huling event ng first semester ng NCAA Season 93 – simula ngayon sa Letran gym.

Itataya ng reigning men’s titlist at most winningest team San Beda College ang kanilang korona sa men’s division habang ipagtatanggol ng back-to -back champion College of St. Benilde ang titulo sa women’s division sa pagsisimula ng tatlong araw na kompetisyon.

Tangka naman ng Arellano University na maipagtanggol ang nakamit na unang titulo sa juniors division.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa pamumuno ni Season MVP at lightweight Kenneth Marc Porras, inangkin ng Red Lions ang ika-apat na sunod at pangwalong pangkalahatang titulo noong isang taon.

Muli, inaasahang magiging mahigpit nilang katunggali ang Lyceum of the Philippines at ang College of St. Benilde na siyang tumapos na first at second runner-up noong Season 92.

Tatangkain naman ng Lady Blazers na kumalas mula sa pagkakatabla sa San Beda Red Lionesses sa pagpuntirya ng kanilang ikatlong sunod na kampeonato.

Sa pangunguna ng MVP na si middleweight Clarissa Thea Virtudazo, inangkin ng Lady Blazers ang kanilang ikalawang sunod na titulo noong isang taon upang makatabla sa San Beda.