Ni VALERIE ANN P. LAMBO

COTABATO CITY – Inihayag nitong Lunes ni Anak Mindanao (AMIN) Party-list Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pagbibitiw niya bilang kinatawan sa Kamara de Representantes.

Sa privilege speech, sinabi ni Turabin-Hataman na nais niyang bumalik sa kanyang “home” at umuwi sa kanyang “people” hindi bilang kinatawan sa Kamara, kundi bilang isa sa kanila.

Ayon kay Turabin-Hataman, pagtutuunan niya ng pansin ang pagseserbisyo sa komunidad, partikular sa kabataan sa mga lugar sa Mindanao na apektado ng kaguluhan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Isang second-termer party-list representative, nagsilbi rin si Turabin-Hataman bilang executive director ng National Commission on Muslim Filipinos.

“This was no easy decision, and perhaps the craziest I’ve done so far. But those who know me, and know my soul, have long suspected I was longing to be back home,” sabi niya.

Hindi niya direktang tinukoy ang dahilan sa kanyang pagbibitiw, bagamat inaming hindi isang kumportableng tungkulin ang maging kinatawan sa Kamara, lalo na kung hindi laging magkatulad ang opinyon niya at ng kanyang mga kinakatawan.

Gayunman, sinabi ni Turabin-Hataman na hindi niya pinagsisisihan na naging kinatawan siya ng Anak Mindanao.

Maybahay ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov.Mujiv Hataman, tinapos ni Turabin-Hataman ang kanyang talumpati sa pananawagan “[to] pass the proposed Bangsamoro Basic Law”, na isa siya sa may akda.

Si Amihilda Sangcopan, ang chief-of-staff ng partido sa 12th at 14th Congress, ang nominado para palitan si Turabin-Hataman. Si Rep. Makmod Mending, Jr. ang isa pang kinatawan ng AMIN sa Kamara.