Ni MERCY LEJARDE

AYON sa kampo ng dating talent ng TV5 na si Christine Serrano ay nagkaroon ito ng seizure nitong September 23 at isinugod ito sa ospital.

CHRISTINE copy copy

Naka-confine pa rin si Christine hanggang ngayon sa Veterans Memorial Hospital sa Quezon City at nasa intensive care unit.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sumasailalim daw sa masusing pagsusuri ng mga doctor si Christine para matukoy ang dahilan ng kanyang kondisyon.

Si Christine ang principal witness sa libel case na isinampa ni Nonito Donaire laban sa talent manager at koluminsta ng People’s Journal na si Joey Aquino noong 2012. Limang taon na ang itinatakbo ng naturang kaso.

Sumalang si Christine sa cross examination sa korte last August 24 at baka raw marahil sa sobrang stress sa isinampang kaso ni Donaire laban sa kanyang manager ay nagkasakit at nagkaroon ng seizure ang dating produkto ng talent search Star Factor ng TV5.

Prayers for you, Christine Serrano and get well soon!