NAHILA ng University of the East ang winning run sa apat mula nang mabigo sa season-opening kontra titleholder National University matapos gapiin ang Adamson University, 62-44, kahapon sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsalansan si Love Sto. Domingo ng all-around na 21 puntos, 14 rebounds, pitong steals at anim na assists, habang kumana si Christine Cortezano ng 13 puntos at 13 boards, at humabi si Bienca Ramos ng 10 puntos at 10 rebound para sa Lady Warriors na tumibay ang kapit sa ikatlong puwesto.

Nadomina naman ng Far Eastern University ang University of the Philippines, 73-49, para tuldukan ang two-game slide para sa 3-3 karta.

Nanguna si Valerie Mamaril sa Lady Tamaraws na may 21 puntos, habang nag-ambag si Precious Arellado ng 17 puntos at pitong rebounds.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bagsak ang Lady Falcons sa 1-4.