FRANKFURT AM MAIN (AFP) – Umamin ang isang 53-anyos na lalaking German nitong Sabado na nilagyan niya ng lason ang ilang baby food at nagbantang lalasunin ang iba pang produkto sa Europe, bilang bahagi ng tangkang pamba-blackmail, sinabi ng mga awtoridad.

Naaresto ng mga awtoridad ang “eccentric” at “mentally disturbed” na suspek noong Biyernes matapos alertuhin ng German police ang publiko kaugnay sa panghihingi nito ng milyun-milyong euro.

Upang igiit ang kahilingan, sinabi ng lalaki na nilason nito ang ang limang baby food products at itinuro sa mga pulis ang tindahan sa katimugang lungsod ng Friedrichshafen sa Lake Constance kung saan niya inilagay ang mga ito.

Idinetine siya malapit sa Tubingen, halos dalawang oras ang biyahe mula sa tindahan.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'