Ni NOEL FERRER

IT took a while bago nagbalik-pelikula si Aga Muhlach na ang huling pelikulang nagawa ay Of All The Things with Viva Films five years ago.

AGA LANG_please crop copy copy

Naka-schedule sa October 11 playdate ang Seven Sundays starring Aga, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Ronaldo Valdez at Cristine Reyes sa direksiyon ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi pa tapos ang pelikula at may ilang araw pang natitira na mabibigat ang kukunang eksena at ayon sa source namin, parang nag-i-experiement daw ng directing style si Direk Cathy na natural (at hindi rehearsed) blocking ang ginagawa.

So, may bagong aabangan ang moviegoers lalo na kung magiging mas makatotohanan na lalabas ang mga eksena.

Halos lahat ng mga kaibigan ay supportive sa pagbabalik-pelikula ni Aga including Sharon Cuneta and Lea Salonga.

May info rin kaming nakuha na baka bago matapos ang taon ay makapagsimula na rin si Aga ng isa pang pelikula, this time his first indie project under Direk Paul Soriano’s Ten17 productions.

I heard it’ll be shot abroad and will be co-starring a major actress na ipapahiram ng isang major film company.

For sure, tayo ang first na maghahatid ng balitang ‘yan lalo pa’t katulad ni Aga, first time din ng aktres na sasabak sa indie filmmaking.