Ni: Genalyn D. Kabiling

Hindi na ikukubli ng Malacañang ang yaman ng mga miyembro ng Gabinete sa Statements of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng mga ito.

Siniguro ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na magkakaroon ng full public disclosure sa ari-arian ng mga Gabinete matapos linawin ng National Privacy Commission (NPC) na ang data privacy law ay hindi nagbibigay ng proteksiyon sa public servants.

“If you check again, they will give you the full,” sabi ni Abella sa Palace press briefing.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Una nang idinepensa ng Palasyo ang pagkukubli ng ilang detalye sa SALN ng mga cabinet members bilang bahagi ng batas ng bansa sa data privacy.

Gayunman, ipinaliwanag ni NPC Deputy Commissioner Ivy Patdu na ang yaman ng isang public servant ay hindi kinakailangang itago sa SALN.

Sa nasabing Palace news conference, sinabi ni Patdu na ang property at iba pang assets, liabilities at net worth ay “not sensitive personal information” ngunit aktuwal na datos na hinihingi ng batas.

“If it’s a question of assets, liabilities, and net worth, then of course, that should not be redacted. That is part of what is mandated to be included in any disclosure of the SALN form,” aniya.