Ni: Orly L. Barcala

Nagkabutas-butas ang katawan ng isang lalaki nang pagsasaksakin ng istambay na nakasagutan nito habang sugatan naman ang huli makaraang barilin ng pulis sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Gerry Infante, 39, stay-in employee ng RV Marzan Tucking na matatagpuan sa Road 10, Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa nabanggit na ospital ang suspek na si Fernando Gervacio, 38, na nabaril mga rumespondeng pulis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa report, umiinom mag-isa si Infante sa labas ng pinapasukang trucking company nang lapitan at sitahin ng suspek, bandang 3:30 ng hapon.

Nagkasagutan ang dalawa hanggang sa umalis si Gervacio at makalipas ang ilang sandali ay bumalik itong may bitbit na patalim saka pinagsasaksak si Infante.

Tiyempong napadaan sa lugar sina PO1 Joel Aguares at PO1 Alexander Dalayday, kapwa ng Caloocan Police, at pinakiusapan si Gervacio na bitawan ang patalim at sumuko nang matiwasay, pero tumanggi ang huli hanggang sa bumulagta ito.