GINAPI ng Centro Escolar University, sa pangunguna ng beteranong guard na si Orlan Wamar Jr. na kumana ng 17 puntos, ang Colegio de San Lorenzo, 82-76, nitong Lunes sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL) Season 2 sa Olivarez College gym sa Parañaque City.

Kabilang sa iskor ng 5-foot-9 na si Wamar ang 10 puntos sa second period kung saan nagawang makaahon ng Scorpions sa banta nang karibal para maitala ng defending champion ang ikalimang sunod na panalo at solong liderato sa liga.

“That’s the Orlan Wamar of old that we’ve been waiting for,” sambit ni CEU coach Yong Garcia.

Nanguna si Congolese center Rod Ebondo sa Scorpions sa nakubrang 26 puntos at 13 rebounds.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hataw naman sa Griffins sina Souleman Chabi Yo na may 21 puntos at 15 rebounds, habang kumasa sina Jon Gabriel at Rick Baldevia sa natipang 17 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Iskor:

CEU (82) — Ebondo 26, Wamar 17, Fuentes 10, Guinitaran 9, Caballero 8, Manlangit 4, Uri 4, Arim 2, Umeanozie 2, Baconcon 0, Intic 0.

CdSL (76) — Chabi Yo 21, Gabriel 17, Baldevia 16, Sablan 12, Callano 8, Alvarado 2, Ancheta 0, Borja 0, Formento 0, Laman 0, Rojas 0.

Quarterscores: 16-13; 41-30; 60-51; 82-76.