NI: Gilbert Espena

HANDA na si WBA No. 8 super featherweight contender Ricky “The Terror” Dulay sa kanyang ikatlong laban sa United States kay dating WBA International junior lightweight champion Dardan Zenunaj of Albania sa House of Blues sa Boston, Massachusetts sa Setyembre 30.

Nagpasiklab si Dulay sa kanyang huling laban nang palasapin ng unang pagkatalo via 3rd round knockout si WBA super featherweight champion Jaime Arboleda ng Panama noong nakaraang Hulyo 15 sa Forum, Inglewood, California kaya kinuha siya bilang boksingero ni Golden Boy Promotions big boss Oscar dela Hoya at nakapasok sa WBA rankings.

Minalas si Dulay sa kanyang unang laban sa US noong nakaraang taon nang itapat kaagad sa sumisikat na Amerikanong si Gervonta Davis na nagpatigil sa kanya sa 1st round sa Las Vegas, Nevada bago ito naging IBF super featherweight titlist.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Dulay is now in good condition,” sabi sa Philboxing.com ng kanyang bagong manedyer na si Rey “Cacoi” Rodis Jr. ng RED Boxing International. “We’re hoping to make Dulay a world champion soon.”

Paglalabanan nina Dulay at Zenunaj ang bakanteng NABO super featherweight title sa loob ng 10 rounds sa promosyon ng Golden Boy Promotions na ipalalabas ng ESPN Sports.

May rekord si Dulay na 10 panalo, 2 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Zenunaj na dati ring IBO International super featherweight titlist na may kartadang 13 panalo, 3 talo na may 10 pagwawagi sa knockouts.