WASHINGTON (AFP) – Lumipad ang US bombers at fighter escorts malapit sa baybayin ng North Korea nitong Sabado bilang pagpapakita ng puwersa laban sa nuclear weapons program ng huli, na lalong nagpainit sa mga tensiyon.

Idiniin ng Pentagon na ito na ang pinakamalayong paglipad sa dulong hilaga ng Demilitarized Zone (DMZ) sa pagitan ng dalawang Korea ng alinmang US fighter o bomber ngayong siglo.

‘’This mission is a demonstration of US resolve and a clear message that the president has many military options to defeat any threat,’’ anang Pentagon spokeswoman Dana White. ‘’We are prepared to use the full range of military capabilities to defend the US homeland and our allies.’’

Ang lumipad na Air Force B-1B Lancer bombers nitong Sabado ay nagmula sa Guam, at sinamahan ng F-15C Eagle fighter escorts mula sa Okinawa, Japan, anang White. Lumipad sila sa international waters malapit sa east coast ng North Korea.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Samantala, binira ni North Korean Foreign Minister Ri Yong-ho si US President Donald Trump sa United Nations General Assembly, na tinawag niyang ‘’mentally deranged’’ leader na ang mga banta ay lalong pinalakas ang tsansa ng komprontasyong militar.

‘’Our rockets’ visit to the entire US mainland all the more inevitable,’’ anang Ri sa New York nitong Biyernes.