PINATATAG ng University of the Philippines ang kampanya na makausad sa Final Four nang gapiin ang San Beda College, 25-16, 25-19, 25-20 nitong Sabado sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference women’s division sa The Arena sa San Juan.

Hataw si Diana Carlos sa naiskor na 14 puntos para sa UP, habang nag-ambag si Isa Molde ng 12 puntos.

SPIKE DUNK! Lagpas sa net ang mga kamay ni San Beda spiker/middle blocker Satrriani Espiritu sa pagiskor laban sa depensa ni Justine Dorog ng University of the Philippines Lady Maroons sa kainitan ng kanilang laro sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference women’s division. Nakalusot ang Lady Maroons sa straight set.

Naitala ng Lady Maroons ang ikatlong sunod na panalo para mahila ang karta sa 3-1,at pantayan ang Arellano University sa ikalawang puwesto sa likod nang nangungunang Adamson University (3-0).

“Compared doon sa previous games namin, mas lumabas kanina ‘yung mga inaayos namin sa training. Kita namin ‘yung improvement,” sambit ni UP assistant coach Kat de Lara.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kumubra ng tig-anim na puntos sina Cesca Racraquin, Satrriani Espiritu at Jiezela Viray para sa San Beda (2-2).

Naitala naman ng Ateneo ang ikalawang sunod na panalo nang pabagsakin ang San Sebastian College, 25-11, 25-13, 25-13.

Sinandigan ni sophomore spiker Jules Samonte ang Lady Eagles sa naiskor na 12 puntos.

Kapwa sibak na sa laban ang SSC at Jose Rizal University (0-3).