Ni: Nitz Miralles

NADAGDAGAN na uli ang mga apo ni Gina Alajar dahil nanganak na ang girlfriend ng anak na si Geoff Eigenmann na si Maya o Angeli Flores. Mestisa ang anak nina Geoff at Maya, malakas talaga ang lahi ng mga Eigenmann at ang nakakatuwa pa, nagsilang si Maya na nasa Pilipinas ang great grandparents ng baby na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Geoff, Maya at baby Arabella copy

Pinangalanang Arabella Simone ang baby na isinilang noong Septemer 23, 2017, the same date ng concert ng lolo ni Geoff na si Eddie Mesa kasama ang Eigenmann family sa Meralco Theater. Hindi nakasama sa concert si Geoff dahil nagbantay kay Maya sa ospital.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang ganda ng message ni Gina kina Geoff, Maya at Baby Arabella Simone: “Maraming-maraming salamat, Panginoong Diyos sa kaligtasan na ibinigay mo kay Maya at sa aking bagong apo, si Arabella Simone Eigenmann!!! Congratulations Geoff and Maya!!! 9-23-2017 this is the day that the Lord has made!!!”