Ni MARIVIC AWITAN

UMANGAT ang University of Santo Tomas sa solong ikalawang puwesto matapos ang ipinosteng 73-67, panalo kontra Far Eastern University kahapon sa UAAP women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Umiskor si Jem Angeles ng 21 puntos, kasunod si Anjel Anies na may 18 puntos at si Sai Larosa na nagtapos na may double-double 17 puntos at 10 rebounds para sa Tigresses.

Dahil sa panalo, umakyat ang Tigresses sa record na 3-1,panalo-talo kasunod ng defending champion National University na wala pang talo matapos ang tatlong laro.

Ang Lady Tamaraws, pinamunuan ni Valerie Mamaril na may 21 puntos, ay bumagsak sa 2-2.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa isa pang laro, nakatikim na rin ng panalo sa wakas ang De La Salle matapos padapain ang University of the Philippines, 76-64.

Sa pamumuno nina Charmaine Torres at Marga Dagdagan na nagposte ng pinagsamang 33 puntos, naputol ng Lady Archers ang kinasadlakang 3-game losing skid.

Nanatili namang winless ang Lady Maroons sa loob ng apat na laro.