Ni: Charissa M. Luci-Atienza

Pagtitibayin bukas, Setyembre 25, ng Mababang Kapulungan ang bersiyon ng Senado sa batas na nag-aantala sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na itinakda sa Oktubre 23, 2017 hanggang Mayo 14, 2018.

Ayon kay Citizens Battle Against Corruption (Cibac) party-list Rep. Sherwin Tugna, chairman of the House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, ang pagpapatibay ng Mababang Kapulungan sa Senate postponement measure ay inaasahan sa susunod na linggo.

“We are targeting that this will be finished by Monday,” aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Una nang nagbigay ng halimbawa si House Majority Leader and Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas kung saan kapag pinagtibay ng Mababang Kapulungan ang Senate version, hindi na kakailanganin ng Bicam Conference Committee at isusumite nila sa Martes ang Enrolled Bill para sa pag-apsruba ni Pangulong Duterte.

Nitong nakaraang linggo, ipinasa ng Senado ang ikalawang pagbasa sa postponement bill na inaprubahan ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa noong Setyembre 11.

Hiniling ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, isa sa mga awtor ng bill at chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang pagpapabilis sa batas.

“This measure is crucial to the anti-illegal drugs drive of the government,” aniya.

Ipinagdiinan ni Fariñas na sa ikatlong Legislative-Executive Development Advisory Council (Ledac) meeting nitong Miyerkules, inayunan ni Pangulong Duterte na manatili sa kani-kanilang posisyon ang mga kasalukuyang barangay official dahil ang Chief Executive “is not really keen in appointing people into elective positions.”