Lithuania Mushroom Contest

VARENA (AP) – Daan-daang Lithuanians ang nagtakbuhan bitbit ang mga basket at timba nitong Sabado sa isang pine forest sa timog silangan ng bansa.

Bakit? Ito ang national championship ng wild mushroom picking -- isang kompetisyon na idinadaos tuwing huling Sabado ng Setyembre.

Ito ang panahon na “not too dry, not too wet, the humidity is perfect,’’ paliwanag ng mushroom hunter na si Janina Juodine.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang maulan, ngunit mainit-init na tag-araw ay perpekto para sa foraging festival sa Lithuania, mahigit 33 porsiyento ay binubuo ng kagubatan at ang mushroom-hunting ay itinuturing na ikalawang pinakasikat na sport sa Baltic country kasunod ng basketball.

Mahigit 400 edible varieties ng kabute ang matatagpuan sa kagubatan ng Lithuania, kabilang ang boletus, slippery jacks, chanterelles, blewits at morels.

Ang kapistahan nitong Sabado ay ginanap may 60 kilometro ang layo mula sa katimugan ng kabisera, ang Vilnius, malapit sa Belarus. Dinayo ito ng libu-libong manononood gayundin ng mga tindera ng kabute na nakasuot ng Lithuanian folk costumes.

Mayroong 21 grupo ang nakilahok, at ang pinakamalaking nakuha ay ang boletus –kilala sa bansa bilang king of Lithuania’s forests – na tumitimbang ng 621 gramo. Ang local team na Mushroom Nightmares ang nagwagi sa kompetisyon sa nakuhang 58 kilo ng mga kabute.