Ni: Gilbert Espeña

MASUSUBOK sina five-division world titlist Nonito Donaire Jr. kung puwede pa siyang maging kampeong pandaigdig at ang sumisikat na si Romeo Duno sa kanilang magkahiwalay na laban sa United States ngayon.

Kakasa si Donaire laban kay Mexican Ruben Garcia Hernandez para sa bakanteng WBC Silver featherweight title sa Alamodome, San Antonio, Texas sa unang laban niya matapos maagawan ng WBO super bantamweight crown ng Mexican American na si Jessie Magdaleno sa Las Vegas, Nevada noong nakaraang taon.

Makikipagtagisan naman si knockout artist Duno sa beterano at dating world rated na si Juan Pablo Sanchez bilang bagong boksingero ni Golden Boy Promotions big boss Oscar dela Hoya sa lightweight bout sa Forum, Inglewood, California.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kung impresibong magwawagi si Donaire ay tiyak na world title bout ang kanyang susunod na laban samantalang kailangan pa ni Duno ng ilang knockout wins para pumasok sa world rankings at magkaroon ng pagkakataon sa world title crack.