Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

8 n.u. -- La Salle vs Ateneo (men’s)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

10 n.u. -- NU vs UP (men’s)

4 n.h. -- UP vs San Beda (women’s)

6:30 n.g. -- SSC vs Ateneo (women’s)

MAGTUTUOS sa isang knockout match ang University of the Philippines at San Beda College para sa pinag-aagawang semifinals berth ngayong happen sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference women’s division sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Parehas na may 2-1 baraha, ang Lady Maroons at Lady Red Spikers ay maghaharap ganap na 4:00 ng hapon para sa tangkang makatabla sa Arellano Lady Chiefs sa ikalawang posisyon sa Group B.

Sa isa pang laban, magtutuos naman ang Ateneo at San Sebastian na isang krusyal na laro sa Group A ganap na 6:30 ng gabi.

Target ng Lady Eagles ang solo second spot habang tatangkain ng Lady Stags na buhayin ang kanilang tsansa sa semifinals.

Galing ang Lady Maroons sa five-setter na kabiguan sa kamay ng Lady Falcons noong Setyembre 4 bago winalis ang TIP Lady Engineers at St. Benilde Lady Blazers para makabalik sa kontensiyon.

Tatangkain naman ng San Beda na maitala ang unang back-to-back win sa pamumuno nina Aurea Racraquin, Nieva Viray, Satrriani Espiritu, Jiezela Viray at setter Rebecca Cuevas.