Ni: Beth Camia
Sinuspinde ng Supreme Court (SC) ang trabaho ng mga empleyado ng korte sa buong bansa ngayong araw matapos ideklara ni Pangulog Rodrigo Rodrigo na “national day of protest” ang Setyembre 21.
Ayon sa SC Public Information Office (PIO), ipinag-utos ni acting chief justice Senior Associate Justice Antonio Carpio ang work suspension dahil aabot sa 70 porsiyento ng mga korte na nasa gusali ng local government units (LGUs) ay apektado ng suspensiyon ng trabaho.