Ni: Beth Camia

Dumepensa ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtaas ng presyo ng mga de-lata sa bansa.

Ayon sa DTI, matagal nang hindi nagkakaroon ng taas-presyo sa mga branded na karneng de-lata.

Ibinase rin umano ang taas-presyo sa patuloy na pagmahal ng karne gayundin sa paghina ng piso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Umaabot sa P0.45 hanggang P2.45 kada lata ang itinaas ng luncheon meat, habang P0.40 hanggang P3.80 ang dagdag sa presyo ng corned beef.

Nagpahayag na rin ng taas-presyo sa tinapay ang ilang bakery sa bansa.