NI: Beth Camia

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Camilo Sabio dahil sa mga kasong graft na nakasampa laban sa kanya sa Sandiganbayan.

Dinala ng mga operatiba ng NBI sa kanilang headquarters sa Maynila ang 82-anyos na si Sabio, na sinamahan ng kanyang misis na si Marlene.

Inilabas ng 4th at 5th Division ng Sandiganbayan ang warrant of arrest laban kay Sabio dahil sa kinakaharap nitong mga kaso ng malversation of public funds at graft.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kapag nakapaglagak ng P80,000 piyansa ay maaari nang pansamantalang makalaya si Sabio.

Hunyo ngayong taon nang nahatulan ng Sandiganbayan 1st Division si Sabio dahil sa umano’y maanomalyang pag-arkila sa 11 sasakyan noong 2007 at 2009, na nagkakahalaga ng P12 milyon, noong siya pa ang namumuno sa PCGG.

Nasentensiyahan siyang makulong ng 12-30 taon, pero una nang sinabi ni Sabio na iaapela niya ang hatol sa kanya.