Ni NOEL D. FERRER

GINUGUNITA ang 45th anniversary ng martial law ngayon, at magandang panahon ito upang gisingin muli ang kamalayan nating mga Pilipino tungo sa mas maayos, maunlad, marespeto, mapayapa at makataong lipunan na nararapat sa atin.

Isa ulit itong pagsisimula. Sa katunayan, para sa akin, isang pagbabalik sa dating tahanan.

Howie at Atom copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

At habang nagpapaalam (at bumabati ng happy birthday) sa isa pang editor na nagtiwala at nagbigay-daan sa akin sa panulat na si Jerry Olea, nagpapasalamat din ako sa isang kaibigan, kapatid at kapanalig na si Kuya Boss Dindo Balares na nagbukas muli ng pintuan ng BALITA para sa isang nagbabalik na alibughang anak.

Makakaasa kayo ng maiinit at makabuluhang mga balita na puwedeng lunsaran ng masaya at kapaki-pakinabang na huntahan, alaskahan at pagpapayaman ng isip at pandama.

Muli akong makikisabay sa aking mga katoto rito sa pangunguna sa balita, pagpuri, pagpuna at pagtatanong.

FIRST SHOT

Picture pa lang dito, scoop na! Makikita natin ang napaka-promising na pagsasanib-puwersa.

Si Howie Severino, isang premyadong dokumentarista at head ng GMA News Online at ang namaalam na Kapamilya na si Atom Araullo, isang mahusay na batang mamamahayag na marami pang puwedeng gawin at matutuhan, kapag nagsama sa isang proyekto, tiyak na pagbubunyi sa kahusayan at kabutihan.

Nakakabit na sa kanilang pangalan ang kalidad at integridad kaya exciting ang mga posibilidad sa kanilang pagsasama sa lalong madaling panahon.

Hintay lang tayo sa announcements ukol sa mga gagawin pa ni Atom.

Katatapos lang maipalabas kagabi ang kanyang special episode ng The Crawl sa Hong Kong under Lifestyle Network.

Katulad ng pag-ampon sa akin ng bago kong tahanan sa panulat, sino naman kaya ang aampon kay Atom?

Marami, actually. Pero mauuna nang ipahayag ang kanyang free TV engagement mamaya. Abangan!

BEA, KAKABA-KABA KAY GERALD?

Parang first time ulit? Maganda ang samahan nina Bea Alonzo, Iza Calzado at Ian Veneracion sa A Love To Last kahit na sa kuwento ay masalimuot ang kanilang pinagdadaanan bilang sina Anton, Andeng at Grace.

Nakakatawa ang iba’t ibang estado ng kani-kaniyang puso dahil nang tanungin sila kung paano nila made-describe ang lovelife nila ngayon, ang sagot ni Iza: Peaceful, Encompassing and Trusting. Ang kay Ian naman ay Loving and Trusting.

Naiiba ang sagot ni Bea: “Kakaba-kaba Ka Ba?”

Bakit kaya?

Hindi na bagets sina Bea at Gerald para hindi bigyan ng definite na turing sa kanilang pag-iibigan. Parang Angel Locsin at Neil Arce lang ‘yan.They are all of-age consenting adults na hindi na bagay magpabebe.

It will be more liberating and empowering if Bea and Gerald affirm their relationship with pride and joy to be shared by everyone.

Sana sa susunod, hindi na kakaba-kaba si Bea.

KAREN, WALANG TAKOT

First Lady of Kapamilya News. Pasintabi lang sa kaibigan naming si Korina Sanchez na hindi na bumalik sa hard news at nag-focus na sa news magazine show niya na Rated K, pero bilib ako sa effort at paghahanda ni Karen Davila sa kanyang programang Headstart sa ANC.

Siya ang nakaka-scoop at nakakapagpapunta ng newsmakers na guest sa studio, at bago pa man sumambulat ang anumang isyu at nahimay na niya ito sa kanyang programa.

Nagawa na niya ‘yan kay COMELEC Chairman Andy Bautista at sa dating asawa nito, Customs Commissioner Nicanor Faeldon at Senator Ping Lacson. Maging ang mga kontrobersiyal na sina Senator Richard Gordon o si Senator Sonny Trillanes ay sa kanya rin unang pumupunta para lamang mausisa at magisa sa no-holds-barred questions ni Karen.

Kahapon, guest niya ang abogado ng alleged PDAF Scam Queen Janet Lim Napoles na si Atty. Stephen David ukol sa isyung posibleng mag-bail na si Napoles pagkatapos ma-release sa Crame si Senator Jinggoy Estrada.

Isiniwalat ng abogado na mas nainam sa kanilang maging state witness si Napoles at magtuturo ng marami pang pangalang nakinabang sa Pork Barrel Scam including many other names of politicians and media personalities.

Matapang din na naitanong ni Karen ang koneksiyon ni Atty. David kay Presidente Digong na suportado nila ng isa pang lawyer ni Napoles na si Bruce Rivera. Pawang may papel na sa gobyerno ang asawa nito na si Atty. Lanee Cui-David; at sina Bruce at Stephen ay nakikita sa mga events ng Malacañang. Galing sila sa San Beda group ng Presidente kaya pamilyar na sila sa bawat isa.

Walang pagdududa at takot na sinabi ni Atty. David sa programa ni Karen na confident siyang mapapalaya na rin ang kanyang kliyente sa lalong madaling panahon.

Hindi na tayo magugulat kung nagkataon.

Bravo Karen!

SEPTEMBER 21

Sa isang lipunan ng malayang mamamayan, hindi dapat naghahari ang takot at dahas -- mula sa militar o sa may kapangyarihan.

Sana ay mas maging mapagmatyag at mapanuri pa tayo sa mga aral ng kasaysayan.

Batas ng tao, batas ng Diyos ang dapat maghari, hindi ang batas militar.

Salamat sa malaya, makabuluhan, at maligayang BALITAan!

(For your comments, opinions and contributions, you can message me on IG and FB, or tweet me at @iamnoelferrer.)