Iginiit kahapon ni Senador Richard Gordon na bigo ang hudikatura na aksiyunan ang ilegal na droga sa pagpapatuloy ng pagdinig sa P6.4-bilyon shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC).

Ang tinutukoy ni Gordon ay ang 890 kilong shabu na nakuha sa San Juan City noong Disyembre 2016, at 560 kilo lamang ang naibigay ni Judge Jovencio Gascon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Gordon, malinaw na nilabag ni Gascon ang batas na dapat ay maibigay sa PDEA ang droga sa loob ng 72 oras, at dapat namang sirain ng PDEA ang droga sa loob ng 24 na oras.

“I’m willing to challenge the gods of law and subpoena this judge even if I know I should not... subpoena him so that I will create a Constitutional crisis where the court will say you have no right to interfere with the judiciary. And I will now say the judiciary is not doing their work. This judge should be brought to the Ombudsman right away,” ani Gordon.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nabatid na nasa kustodiya pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang droga dahil wala pang inspection order si Gascon.

Ipatatawag ng komite si Gascon, na naka-leave simula noong Agosto at sa Setyembre 28 pa babalik. - Leonel M. Abasola