AGAD tinutukan ng televiewers ang pag-uumpisa ng The Promise of Forever na pinagbibidahan nina Ejay Falcon, Ritz Azul, at Paulo Avelino. Namayagpag ito sa TV ratings sa buong bansa at tinalo ang katapat na programa.
Nagkamit ang pilot episode ng serye nitong nakaraang Lunes ang national TV rating na 18.4%, kumpara sa katapat nitong Haplos (15.6%), ayon sa viewership survey data ng Kantar Media. Nagpatuloy ang suporta ng mga manonood sa serye hanggang Martes at nagkamit ng 18.1% laban sa 16.7% ng katapat.
Patok din sa netizens ang pagsisimula ng palabas kaya nanguna sa trending topics sa social media at umani ng libu-libong tweets sa Twitter.
Sabi ni @Sandiefandalio1, “First episode pa lang markado na agad! For sure maraming mag-aabang nito, at isa na ako dun.”
“Pilot episode pa lang umiiyak na ako. Masakit! Kaya mo ‘yan, Sophia,” tweet naman ni @aatazmania.
“Umpisa pa lang kita mo na agad ang kalidad. Good job, direk and to all the staff,” pagbabahagi naman ni @melvillaflor26.
Ipinakilala ng The Promise of Forever sa mga manonood si Lorenzo (Paulo), ang ‘immortal man’ na ngayon ay kilala na bilang Nicolas. Nakilala rin si Sophia (Ritz) at ang nabatid ang pangarap niyang maging seawoman upang makatulong sa kanyang pamilya.
Nakatakda nang magkita ang dalawa sa pagsampa nila ng barko patungong Europe, kaya inaabangan kung makikilala nila ang isa’t isa. Maging daan kaya ito ng muli nilang pagkakalapit? Maging balakid kaya ang pag-ibig ni Philip (Ejay Falcon) sa kanilang tadhana?
Kasama rin sa The Promise of Forever sina Cherry Pie Picache, Amy Austria, Benjie Paras, Susan Africa, Ynna Asistio at Nico Antonio, mula sa direksiyon nina Darnel Villaflor at Hannah Espia.
Huwag palampasin ang kuwento ng pangako ng walang hanggang pag-ibig sa The Promise of Forever sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, sundan lang ang @DreamscapePH sa Instagram at Twitter at facebook.com/dreamscapeph sa Facebook.