CEBU CITY – Alumpihit ang mga tagahanga ni Milan Melindo bunsod nang hindi inaasahang tagpo sa ginanap na weigh-in kahapon para sa kanyang pagdepensa sa korona sa Pinoy Pride 46.

Kinailangan pang tumayo sa timbangan ng Pinoy champion na walang saplot para makuha ang tamang timbang na pinapayagan sa kanilang laban sa lightweight.

Napasigaw ang mga tao na dumagsa sa SM City Cebu Activity Center nang lumagpas ng isang pound sa wight limit si Melindo sa kanyang unang pagtatanka sa timbangan.

Matapos magpapaiwis ng ilang minuto, balik sa timbangan ang Pinoy kung saan nagdesisyon na itong maghubad para masigurong tugma ang kanyang timbang para maidepensa ang IBF title.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sakto naman sa 108 lbs. ang kanyang challenger na si Hekkie Budler.