Ni: Nora Calderon

MADALING nag-conclude ang televiewers ng Eat Bulaga nang mapanood nila last Thursday na nag-guest ang Pinoy Big Brother graduate na si Matt Evans sa “Jack en Poy” segment. 

MATT_please crop copy copy

Alam ng mga manonood na Kapamilya actor si Matt, kaya hindi ito puwedeng mag-guest sa GMA-7. Wala namang interview sa kanya, kaya hindi nasagot ang katanungan ng viewers.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Pero sa Instagram nagpasasalamat at pagpapaalam si Matt sa mga dati niyang kasama sa ABS-CBN. (Inilabas namin kahapon. --Editor)

Nakausap namin si Rams David, ang bagong manager ni Matt, at kinumpirma niyang lilipat na nga si Matt sa GM-7, since tapos na rin ang contract nito sa ABS-CBN. 

Si Matt ang bagong member ng kanyang talent agency na binubuo nina Chanda Romero, Sheryl Cruz, Tina Paner at iba pang mga artistang napapanood sa GMA-7.

Sa Instagram ni Matt namin nalaman na isa palang Fariñas ang wife niya, si Katrina, at dalawa na ang daughter nila -- sina Marley at Maddie. May sarili rin silang negosyo, ang Asia’s Chinaboy na nasa Northwalk Clark Complex, Clark Freeport Zone. Pero sa kabila ng happy family life at negosyo, hindi pa rin maiwan ni Matt ang showbiz.