HUSAY at galing ng Pinoy differently-abled athletes ang magpapakitang-gilas laban sa pinakamahuhusay na karibal sa rehiyon sa kanilang pagsabak sa 9thSoutheast Asian ParaGames sa Setyembre 17-23 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Target ng 164-member Team Philippines, pangungunahan ni Chief de Mission at Olympian swimmer Ral Rosario, ang 27 gintong medalya sa biennial meet na isinasagawa pagkatapos ng regular SEA Games.

MEDINA: Top bet ng Team Philippines  sa Para Games..
MEDINA: Top bet ng Team Philippines
sa Para Games..
Sa Singapore edition may dalawang taon na ang nakalilipas, nakapagwagi ng 16 ginto ang Para athletes.

Kamakailan, nakapaguwi lang ng 24 gintong medalya sa SEAG ang mga regular Pinoy athletes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“The team is in high spirits, and if our estimation is correct, we have a strong chance of winning 27 golds, perhaps more,” pahayag ni Rosario sa isinagawang sendoff para sa koponan nitong Lunes sa Dads restaurant sa Edsa, Mandaluyong City.

Kabilang sina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioners Celia Kiram at Arnold Agustin sa nagbigay nang suporta sa mga atleta kasama sina Philippine Paralympics Committee president Mike Barredo at vice president Tom Carrasco.

Nagbigay din ng inspirasyon sina triathletes Nikko Huelgas at Claire Adorna, nagwagi ng ginto at silver medal sa SEA Games.

Pambato ng delegasyon ang chess team na magtatangkang malagpasan ang anim na gintong medalya na nakamit sa Singapore noong 2015.

Si Minandro Ridor, miyembro ng chess squad, ang flag-bearer ng bansa sa parade of the athlete. Naiuwi niya ang apat na ginto sa isually impaired 2 division may dalawang taon na ang nakalilipas.

Target naman nina wheelchair-bound FIDE Master Sander Severino at Henry Lopez are na madomina ang individual at team events sa standard at rapid.

Inaasahan din na aani ng tagumpay sina paralympics veteran Adeline Dumapong-Ancheta sa powerlifting at Josephine Medina sa table tennis.

Naiukit ni Dumapong-Ancheta ang kasaysayan nang tanghaling kauna-unahang Pinoy medal winner sa Paralympics nang makuha niya ang silver medal sa 2000 Sydney Games, habang nakopo ni Medina ang bronze sa Rio de Janerio, Brazil sa nakalipas na taon.

Sasabak ang bansa sa athletics (siyam), badminton (pito), boccia (tatlo), chess (17), cycling (tatlo), goal ball (anim), powerlifting (lima), table tennis (siyam), swimming (10), tenpin bowling (15) at wheelchair basketball (12).