KINANSELA ng NCAA Management Committee (Mancom) ang mga larong nakatakda kahapon sa men’s basketball tournament bunsod nang pagbaha dulot nang walang tigil na buhos ng ulan na hatid ng bagyong 'Maring'.

Ayon kay Mancom chairman Fr. Glyn Ortega, OAR, ng host San Sebastian, nagdesisyon sila na kanselahin ang laro para makaiwas ang mga estudyante at tagahanga na maipit sa mga kalsadang lubog na sa baha.

Naipahayag din kahapon ng Department of Education at Pag-asa ang kanselasyon ng pasok sa lahat ng eskwelahan maging pampubliko o pribado.

Ang nakanselang laro ay itutuloy sa petsang ipahahayag ng Mancom sa susunod na araw.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA