Mga Laro sa Martes

(Filoil Arena, San Juan)

12 n.t. -- Arellano U vs Mapua (jrs)

2 n.h. -- Arellano U vs Mapua (srs)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

4 n.h. -- Perpetual Help vs San Sebastian (srs)

6:30 n.g. -- Perpetual Help vs San Sebastian (jrs)

MULING inapula at pinuksa ng Lyceum of the Philippines University Pirates ang College of St. Benilde Blazers, 83-69, nitong Biyernes para sa win No. 11 sa NCAA Season 93 basketball tournament sa Filoil Arena sa San Juan City.

Pinatatag ni CJ Perez ang kampanya sa MVP award sa naisalansan na 14 puntos, siyam na rebounds, tatlong assists at dalawang steals, habang kumubra sina MJ Ayaay at Cameroonian Mike Nzeusseu sa naiskor na 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod para mapalapit sa pormalidad na makopo ang unang slot sa Final Four.

Kung may dapat ipagdiwang ang Blazers, ito’y ang pamamaraan ng kanilang kabiguan kumpara sa nakadidismayang 55-98 pagyuko sa Pirates noong Aug. 1 sa first round elimination.

“The teams are catching up, they’re finding ways to counter our press. We have to find a way to adjust our defense,” sambit ni LPU assistant coach Jeff Perlas, pansamantalang humalili kay head coach Topex Robinson.

Iginiit ni Perlas,na suwerte lamang at minalas din ang Blazers dahil sa natamong 23 turnover ng Pirates.

“We have lots of turnovers and we really have to take care of the ball,” aniya.

Hataw si Edward Dixon sa natipang career-high 27 puntos, tampok ang 11 puntos sa free throw.

Nagwagi naman ang San Beda, sa kabila ng suspension kina top player Robert Bolick ang head coach Boyet Fernandez , bilang parusa sa kanilang pagkakasangkot sa kaguluhan kontra St. Benilde nitong Martes.

Sa juniors’ action, naisalpak ni Will Gozum ang dalawang free throw sa huling 3.8 segundo para sandigan ang reigning titlist Mapua sa 73-71 panalo kontra San Beda para sa 9-2 record.

Nagwagi ang La Salle-Greenhills sa PU, 90-83.

Sa iba pang seniors match, pinabagsak ng San Sebastian ang Emilio Aguinaldo, 81-69, para sa makasosyo ang Letran sa ikaapat na puwesto sa 5-5 karta.

Iskor:

(Unang Laro)

San Beda 88- Soberano 17, Mocon 11, Tankoua 9, Noah 9, Cabanag 8, Potts 8, Oftana 6, Tongco 5, Adamos 5, Abuda 4, Presbitero 2, Carino 2, Bahio 2

Mapua 70- Gabo 17, Aguirre 16, Nieles 13, Pelayo 9, Bunag 8, Raflores 4, Victoria 3, Orquina 0

Quarterscores: 18-17; 40-32; 58-49; 88-70

(Ikatlong Laro)

San Sebastian 81- Calisaan 19, Calma 12, Costelo 11, Navarro 11, Bulanadi 9, Valdez 8, David 4, Baetiong 3, Capobres 2, Mercado 2, Are 0, Gayosa 0, Ilagan 0

EAC 69- Munsayac 14, I. Mendoza 11, Bautista 10, Diego 10, Garcia 10, Onwubere 9, Bugarin 3, Pascua 2, Corilla 0, Guzman 0, J. Mendoza 0, Neri 0

Quarterscores: 21-16; 38-33; 53-52; 81-69