Mga Laro Ngayon (Fil Oil Flying V Center)

8 n.u. -- – Ateneo vs UST (men’s)

10 n.u. -- La Salle vs FEU (men’s)

4 n.h. -- Adamson vs Arellano (women’s)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

6:30 m.g. -- FEU vs Ateneo (women’s)

NAKATAKDANG harapin ng reigning NCAA champion Arellano ang Adamson University para sa target na ikatlong sunod na panalo sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Winalis ng Lady Chiefs, sa pamumuno ni Jovielyn Prado, ang unang dalawang laro kontra St. Benilde Lady Blazers at the San Beda Red Spikers.

Dahil dito, dalawang panalo na lamang ang kanilang kailangan upang makasiguro ng Final Four slot sa short season-ending conference ng liga na inorganisa ng Sports Vision.

Ngunit, hindi naman kampante ang Chiefs sa kanilang tsansa kontra Lady Falcons sa duwelo ngayong 4:00 ng hapon matapos nilang gulantangin sa loob ng limang sets sa pamumuno ng bagong league’s top scorer na si Christine Soyud ang UP Lady Maroons.

Aantabayanan din ang tampok na salpukan ganap na 6:30 ng gabi sa pagitan ng Ateneo at Far Eastern University.

Pangungunahan ang Lady Eagles nina skipper Bea de Leon at Kat Tolentino, na tatapatan naman nina Bernadeth Pons at Toni Rose Basas sa kampo ng Lady Tams para sa pag -aagawan nila sa liderato ng Group A.

Mauuna rito, magtutuos ang Ateneo at UST ganap na 8:00 ng umaga habang magsasagupa ang La Salle at FEU sa ikalawang laro ganap na 10:00 ng umaga sa dalawang laro sa men’s division.

Mag-aagawan din sa liderato ang Blue Eagles at Tigers na kapwa winalis ang unang dalawa nilang laban habang unahan namang makapagposte ng ikalawang panalo sa tatlong laro ang Archers at Tamaraws. - Marivic Awitan