Mga Laro Ngayon (MOA Arena)

12:00 n.t. -- Opening Ceremony

2:00 n.h. -- UE vs NU

4:00 n.h. -- Ateneo vs Adamson

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

BALIK aksiyon ang mga premyadong collegiate players sa pagbubukas ng Season 80 ng UAAP men’s basketball tournament ngayon sa MOA Arena sa Pasay City.

Ngunit, sa pagkakataong ito, marami ang nagsasabing ‘wild race’ ang labanan para sa playoff spot.

Nakatakdang sumabak ngayong hapon ang mga koponang tinaguriang darkhorse laban sa lehitimong contenders na National University at Adamson University.

Unang sasalang ang Bulldogs laban sa University of the East Red Warriors ganap na 2:00 ng hapon matapos ang opening rites na sisimulan ng 12:00 ng tanghali, sa pangunguna ng season host Far Eastern University.

Kasunod naman nilang sasabak ang Falcons na makakatunggali naman sa huling laban ganap na 4:00 ng hapon ang Ateneo de Manila Blue Eagles.

May bagong coach ang kampo ng Bulldogs sa katauhan ni champion coach Jamike Jarin.

Sa panig naman ng kanilang katunggali, inaasam ni Red Warriors coach Derrick Pumaren na magawa nilang makaahon mula sa mababang performance noong isang taon kung saan nakapagtala lamang sila ng tatlong panalo.

“The realistic goal is to be better from last season. We just have to treat each game as if it’s our last, “ pahayag ni Pumaren na sasandigan sina Alvin Pasaol, Philip Manalang at Clark Derige para pamunuan ang koponan.

Mula sa sorpresang pagbalik sa Final Four noong isang taon, itinaas ng Adamsom ang target ngayong season at ito’y ang umabot ng finals.

Ngunit, para kay Falcons coach Franz Pumaren, batid nyang hindi ito magiging kadali dahil tiyak ang paghahanda ng ibang teams.

Kaya naman inaasahan niyang magiging matiyaga ang kanyang koponan na pangungunahan nina Dawn Inches, Papi Dare, Maverick Ahanmisi, Robbie Manalang, rookie Tyrus Hill at Sean Manganti para harapin ang mga matitinding hamon.

Sa panig naman ng Blue Eagles, inamin nilang mas magiging mahirap ang kampanya ngayong taon kasunod ng sorpresa nilang pagpasok noong isang taon sa finals.

Kailangan nilang maging consistent kada laro kung nais nilang makalusot sa playoffs para sa tsansang makatuntong ulit ng championship.

Samantala, bago ang dalawang salpukan, magkakaroon ng tradisyunal na palabas na pangungunahan ng FEU kung saan tampok ang pagbibigay parangal sa mga napili nilang mga greats kaugnay ng tema ngayon na ‘Season 80 Go for Great’. - Marivic Awitan