Ni: Reggee Bonoan

PALABAS na simula ngayong araw ang indie movie ni Sharon Cuneta na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na nag top-grosser sa katatapos na 2017 Cinemalaya Film Festival mula sa script at direksiyon ni Mes de Guzman at kasama rin ang megastar bilang isa sa producers.

SHARON copy copy

Maganda ang feedback sa comeback movie ng megastar kaya nagustuhan ng Star Cinema na bigyan ng commercial release.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasama ni Shron sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha sina Moi Marcampo, Kiko Matos, Flor Salanga, at Michelle Vito. Hindi nakarating sa presscon last Sunday sina Niño Muhlach, Cris Villanueva, Richard Quan, at iba pa.

Si Mega mismo ang nakipag-usap kay Star Cinema Chief Operating Officer Malou Santos at Creative Director na si Direk Olive Lamasan na tulungan siyang ibalik sa mga sinehan ang pelikula.

Agad namang pumayag sina Ms. Malou at Direk Olive dahil maganda nga ang pelikula.

Samantala, pagkatapos ng Q and A portion ng presscon ay tinanong si Sharon tungkol sa comeback movie nila ni Robin Padilla na sisimulan na ngayong Setyembre ang shooting sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

Inamin ni Shawie na si Robin ang kapalit ng hindi natuloy na si Gabby Concepcion. Romantic-comedy ang tema ng pelikula nila na bagay na bagay daw. Nagtanong kami kung mala-Maging Sino Ka Man ito, “Oh yes, alam n’yo naman ang bagay sa amin.”

Mahaba ba ang buhok ni Robin sa pelikula nila?

“Ay, hindi!” mabilis na sagot ni Sharon. “Ayoko siyang katrabahong may balbas at bigote, gusto ko clean cut kasi this is a romance-comedy, hindi naman horror, kaya ‘wag naman ganu’n. Alam naman niyang ayoko ng hindi siya clean looking at clean cut dahil lumalabas ang kaguwapuhan niya. Kailangan talaga sa rom-com, guwapo talaga ang leading man, ang cute talaga nu’ng movie. I Love Robin, I love working with him,” masayang sabi ng megastar.

Nagkausap na ba sila ni Gabby kung bakit hindi natuloy ang reunion movie nila?

“Wala akong balita after ng hindi natuloy ‘yung una, nag-focus na kami kay Robin and we had to change the story and actually, in all honesty and I don’t want to offend, mas masaya ‘yung movie na lalabas kasi iba ‘yung rapport din namin ni Robin. It’s a totally new story, it had to be bagay kay Robin at sa akin,” pahayag ng aktres.

Pero hindi isinasara ni Sharon ang posibilidad na muli silang magkatrabaho ng dating husband niya.

“Well, it will always be the story, the schedule ganyan, pero basta sure lang, ha-ha,” natawang sabi ng aktres.