Ni: Anna Liza Villas-Alavaren at Bella Gamotea

Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na planuhin ang kanilang gagawing Christmas shopping, para maiwasang maipit sa traffic ngayong nagsimula na ang “ber” months.

Inihayag ni Jojo Garcia, MMDA Assistant General Manager for Operations, na maaaring magpunta ang mga mamimili sa mga shopping mall sa kanilang lugar kaysa sa mga establismyento na kailangan pa nilang dayuhin.

“Let us schedule our trips to avoid being caught in traffic. If you are a Quezon City resident, you can shop there than going to Manila area where you have to travel long hours before reaching the area,” ani Garcia.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Inamin ni Garcia na masikip ang trapiko sa metropolis, partikular sa kinaroroonan ng mga commercial district at of shopping malls.

Upang maibsan ang traffic, kakausapin ni Garcia ang mga mall operator upang baguhin ang kanilang operation schedule upang makatulong para maibsan ang traffic sa Metro Manila ngayong pinakaabalang panahon sa taon.

“We will hold a dialogue with mall operators this month and ask them to implement adjust their operating hours to control the volume of traffic in the vicinity of their establishments,” ani Garcia, at sinabing ang bilang ng mga behikulong nasa paligid ng mga pamilihan ay nakaaapekto sa sitwasyon ng trapiko sa buong metropolis.

Ang pagsisikip ng trapiko ay karaniwang tumataas ng 15-20% sa panahon ng ber months hanggang Pasko.