Ni Danny J. Estacio

CALATAGAN, Batangas – Ibinulagta ng dalawang katao ang bise presidente ng isang organisasyon ng mga magsasaka at mangingisda sa bayang ito, nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa awtoridad, kausap ni Engracio delos Reyes, 61, ang kanyang misis, si Ana, sa kusina ng kanilang bahay sa Barangay Baha nang barilin ng mga suspek.

Agad namatay ang biktima habang mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Isa si Delos Reyes sa mga pinuno ng Samahan ng Maliliit na Mangingisda at Magsasaka.

Nagsagawa ng mga checkpoint ang mga pulis sa paligid ng bayan.

Inaalam ng mga imbestigador kung sino ang mga nasa likod ng pamamaslang.