BERLIN (Reuters) – Gagamit ang Huawei ng artificial intelligence (AI)-powered features gaya ng instant image recognition para hamunin ang mga karibal na Samsung at Apple sa paglulunsad ng bago nitong flagship phone sa susunod na buwan.

Ibinunyag ni Richard Yu, chief executive ng consumer business ng Huawei, nitong Sabado ang makapangyarihang bagong mobile phone chip na ipinupusta ng Huawei para sa ilalabas nitong flagship Mate 10 at iba pang high-end phone upang maging mas mabilis ang pagpoproseso at mas makatipid sa baterya.

Ilulunsad ng Huawei ang Mate 10 at sister phone nito na Mate 10 Pro, sa Munich sa Oktubre 16, kinumpirma ni Yu. Tumanggi siyang magbigay ng detalye sa bagong pasiklab nito, ngunit inaasahang magtataglay ito ng 6-inch-plus full-screen display.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina