Ni: PNA

HONGKONG – Malupit ang paghihiganti ng Philippine Volcanoes sa SEAG rival na Malaysia sa dominanteng, 33-0, panalo para sa unang tagumpay sa Asia Rugby Seven Series nitong Biyernes sa Hong Kong open field.

Matatandaang hiniya ng Malaysian ang Volcanoes sa katatapos na Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakabawi ang Pinoy mula sa natamong kabiguan sa kamay ng host na Hong Kong, at China.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bunsod ng panalo, pumuwesto ang Volcanoes sa ikatlo sa Pool A, sapat para maisaayos ang duwelo kontra South Korea, pangalawa sa Pool B, sa quarterfinals.

Mapapalaban naman ang Malaysia sa Japan, nanguna sa kabilang pool group.

Ang iba pang quarterfinal pairings ay Hong Kong kontra Chinese-Taipei at China kontra Sri Lanka.