Ni REGGEE BONOAN

FESTIVE at napakasaya ng atmosphere sa Star Cinema office kahapon dahil sa magandang resulta sa box office ng pelikulang Love You To The Stars And Back nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

JULIA AT JOSHIA copy

Panay ang bati sa JoshLia tandem dahil hindi man kasing laki ng kinikita sa first day ng mga pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin o John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, kuntento ang kanilang producers.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Made na ang JoshLia love team, walang kaduda-duda.

Nag-monitor kami noong Miyerkules at ang sabi ng ilang takilyerang tinanong namin sa Robinson’s Magnolia Cinema 3 (5 screenings), Gateway Cineplex 3 (4 screenings) at Promenade Cinema 3 (5 screenings), ‘Okay naman po’ sa 1st, 2nd at 3rd screening ng pelikula. Pero kinagabihan daw ay bigla nang dumami ang mga nanood.

Sa madaling salita, mas malakas ang night crowd. Naghintay pa siguro ang karamihan sa feedback ng mga naunang nanood.

Maganda at maayos ang pagkakalatag ng kuwento ng Love You To The Stars And Back kaya tiyak na kakalat ang mga papuri through word of mouth, ang nananatiling pinakaepektibong endorsement dahil personal na nagrerekomenda ang mga nakakapanood sa kani-kanilang kaibigan at pamilya. Kung magpapatuloy ang trend, malamang na mas maraming manonood ngayong long weekend.

Sino ba naman kasi ang mag-aakala na sa ikalawang pelikula pa lang nina Julia at Josh ay matinding acting na ang ipinakita nila? So, paano pa ang susunod nilang projects? Sana mas lalo pa silang humusay, di ba, Bossing DMB?

(Kung hindi pupunta ang success sa ulo, puwede... –DMB)

Sa rami ng nababasa naming feedback ng mga nakapanood na ng LYSB, wala kaming nakitang negatibo, lahat puri at iisa ang sinabi, “nakakakilig, nakakatawa at nakakaiyak.”

Wagas naman kasing magpaiyak si Joshua, saka sasabayan niya ng tawa! Ano ito? Ang galing niyang mag-shift?

Kuwento nga ni Direk Antoinette Jadaone, laging take one si Joshua.

Pero magaling din si Julia, kasi kahit pala hindi siya ang kinukunan ay sinasabayan niya ang aktor kaya pagharap ng kamera sa kanila, okay na, swak agad, walang tapon ang lahat ng kuha ng direktora.

“Ang sarap nilang katrabaho, always ready kapag take na at maski na makukulit kapag breaktime, hindi nawawala ang focus nila,” papuri ni Direk Tonette sa JoshLia.

Siyempre, hindi naman lalabas ang galing ng JoshLia kung hindi nila kasing galing din ang direktor nila.

Nasabihan ko na si Direk Sigrid Andrea Bernardo na, ‘ang galing mo, Direk’ nang kumita ang Kita Kita, pero mas nauna ko namang hinangaan ang mga pelikula ni Direk Tonette. Kaya ang masasabi ko, ‘Nanggulat ka ulit, Direk Tonette after That Thing Called Tadhana.’