Ni BETHEENA KAE UNITE

Determinado si bagong Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña na tuldukan na ang kultura ng “pasalubong” at “tara” sa kawanihan sa pormal niyang pagkakaluklok sa puwesto kahapon para pamunuan ang BoC.

“The marching order given to me by President Rodrigo Duterte is to stop corruption and increase revenue collection,” sianbi ni Lapeña sa harap ng mga empleyado ng BoC sa turn-over ceremony kahapon.

“My top priority—and it should be clear to everyone—is to do away with the culture of ‘pasalubong’ and ‘tara.’

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Strictly no gift and no take policy,” dagdag ng bagong Customs chief.

Sinabi pa ng dating director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ipatutupad niya sa BoC ang polisiyang ipinairal niya sa PDEA laban sa kurapsiyon.

“Similar to what I did with PDEA, I will implement a ‘one-strike policy’ to boost internal cleansing, which of course, shall be supported by intensified counter intelligence efforts,” sabi ni Lapeña, at magpapasimula siya ng counter-intelligence efforts sa loob at labas ng kawanihan.

‘ZERO TOLERANCE’

“I intend to give each of you a clean slate, so we can move forward. Just do your work. Prove your worth, and I will back you up,” sabi ni Lapeña. “But once I receive reports of your involvement with corrupt practices and such reports are validated, I will not think twice. Pasensiyahan tayo.”

Sinabi niyang awtomatikong sisibakin sa puwesto ang sinuman sa BoC na mahuhuling sangkot sa kurapsiyon.

At hindi gaya ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na tumanggap umano ng mga “text message” bago pa pamunuan ang kawanihan noong 2016, sinabi ni Lapeña na wala siyang natatanggap na anumang mensahe o alok.

Gayunman, may nagpaalam sa kanya na may isang tao ang gumagamit sa kanyang pangalan upang mangolekta ng pera.

“I am now issuing a stern warning to unscrupulous individuals who plan to use my name to collect money and ask favors to circumvent laws and regulations,” sabi ni Lapeña. “I will get you. If anyone uses my name to facilitate unlawful activities, do not hesitate to apprehend them under citizen’s arrest and you will be given a reward. I will exercise zero tolerance against corruption in the bureau.”

Bukod sa one-strike policy, sinabi ni Lapeña na magtatatag din siya ng isang 24/7 feedback mechanism na tatanggap ng mga report tungkol sa kurapsiyon sa kawanihan.

KASO NI PAMPI PAG-AARALAN

Humingi rin ng sapat na panahon ang bagong komisyuner upang pag-aralan ang mga nakabimbing kaso sa kawanihan, partikular ang umano’y smuggling laban kay Panfilo “Pampi” Lacson, Jr., na una nang ibinunyag ni Faeldon.

Kasabay nito, hinimok naman ni Faeldon ang lahat ng kawani ng BoC na makipagtulungan sa bagong komisyuner, na sinabi niyang mas mahusay kaysa kanya.

“It is not easy to change that stigma (about the bureau). With incoming Commissioner Sid Lapeña, I’m sure he can do a thousand times more than I did. Sid Lapeña is a better officer than me,” sabi ni Faeldon.