NEW YORK AP) — Walang nakatitiyak sa mararating ni Maria Sharapova sa kanyang pagbabalik sa US Open.

Matapos ang 15-buwang pagkawala sa Tour bunsod nang isyu sa doping, balik aksiyon ang tennis superstar at sentro ng atensiyon sa Grand Slam tennis.

August 30, 2017 - Garbiñe Muguruza in action against Ying-Ying Duan at the 2017 US Open.
August 30, 2017 - Garbiñe Muguruza in action against Ying-Ying Duan at the 2017 US Open.

Umusad si Sharapova sa third round, kipkip ang 12 aces para gapiin ang matikas na si Timea Babos of Hungary, 6-7 (4), 6-4, 6-1, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Arthur Ashe Stadium.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“It wasn’t my best tennis,” pag-aamin ni Sharapova sa on-court interview. “It felt like it was a scrappy match.”

Tunay na may kalawang pa sa kanyang laro at patunay ang naitalang 19 unforced errors sa unang set laban sa 59th ranked na si Babos.

“In the second set, I just felt like I was physically fresh and that gave me a lot of confidence,” sambit ng dating world No.1 at ngayo’y No.143 bunsod nang mahabang pahinga.

Nakapaglaro ang 30-anyos Russian dahil sa ibinigay na wild card invitation ng organizer, na umani ng alingasgas mula sa mga kapwa players na hindi pabor sa naging desisyon sa anila’y nagkasalang player.

Sa kanyang unang laban, impresibo si Sharapova nang patalsikin si No.2 seed Simona Halep nitong Lunes.

“It was definitely tough to control the emotions yesterday, because as much as you want to be happy about that match and what I accomplished there, you want to move on really fast,” aniya.

Sa iba pang resulta, umusad ang dalawang dating US Open champion na sina Juan Martin del Potro at Svetlana Kuznetsova, habang nakatakdang sumabak si two-time winner Venus Williams kontra Oceane Dodin ng France, gayundin si 2008 Australian Open runner-up Jo-Wilfried Tsonga laban sa 18-anyos na Canadian qualifier na si Denis Shapovalov.