Ni ADOR SALUTA

MASAYANG-MASAYA si Daniel Padilla sa patuloy na pagtaas ng rating ng La Luna Sangre. Kasama si Kathryn Bernardo, sinabi niya sa isang panayam na enjoy siya sa mga ginagawang action scenes.

DANIEL AT KATHRYN copy

“Ako, ‘yun siguro ‘yung pag-handle ko ng weapon, long stick siguro, pero nando’n pa rin ako sa learning process.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi pa rin ako marunong na marunong,” bungad ni Daniel.

Sabi naman ni Kathryn, dinadaan nila sa tiyaga ang maaaksiyong eksena sa La Luna Sangre, at kadalasan ay wala silang double sa action scenes.

“Minsan may double naman kapag ‘yung sobrang kumplikado na, pero hangga’t kaya talaga ginagawa namin. For our safety also and para mas mapabilis kasi kapag kami kung makakayang gawin tina-try talaga. And nahihirapan lalo sa siguro ako kilala n’yo naman ako, napakababae, napakahirap i-adjust kung papano maging si Malia or si Mio. ‘Yun... importante na nai-enjoy namin ‘yung mga fight scenes,” pahayag ni Kathryn.

Sa pagiging sikat o in demand ng indie movies ngayon, nagpahayag sina Kathryn at Daniel na gusto nilang gumawa ng independent film.

“Pinag-usapan lang namin ‘yan recently at si Khalil (Ramos), kasi alam nating parati siyang napapasama sa mga Cinema One Originals ganyan, so nai-inspire ako. Actually, kay Khalil, kapag nagtatanong ako sa kanya kung ano ‘yung feeling, kung papano gumawa ng indie, so ‘pag nagka-time siguro or pagkatapos nitong La Luna, open kaming dalawa kung maganda ‘yung materyal na ibigay for indie,” pahayag ng aktres.